Home

onad

Recent Entries · Archive · Friends · User Info

* * *
Current Mood:
sleepy sleepy
Current Music:
tunog ng electric fan
* * *

kagabe naginom ako ng todo. kasama si ruz at si mosi at si julius at si tonton at si chris at si luigi at si albert at si kang at si mang at si ate belle. oyeah.  alam ko nakarami ako. pero walang tama eh. macho kasi ako.

na mild stroke si papa.kaya windang kme ngayon.  mejo nagpanic si mama at si ate.  nakakbigla kase magkasama lang kame nung isang araw.

si ano...pinapahirapan ako...ayokong isipin kasi diko matanggap.  bakit niya nagawa yun. apektado ako kahit hindi dapat.pero wala akong magagawa. malaki na sha. may sarili ng utak at wala naman talaga akong kontrol.  pagdasal na lang natin. mauntog ka sana.  sinayang mo lahat.

si ano naman nakita ko...bkit pag nagkikita ulit bumabalik laht? tae...wala namang pag asa dun. ngayon ako naman nagpapahirap sa sarili ko.  hay...

nkita ko din yung ano niya.  sarap hamunin ng babag.  square lang ba. pero shempre hindi pwede. ako na nmn lalabas na masama.  bagay sila.  

++++++++++++++++++++++++++++
swerte ka mahal kita, malas talaga.
++++++++++++++++++++++++++++

Current Location:
sa harap ng pc
Current Mood:
blank blank
Current Music:
you only live once
* * *
nakakdepress..lalo na pag madameng problema...

badtrip.

yun lang.

* * *
paano ba magbura ng lj account?
* * *
sabi ni krista, ansipag ko daw magpost...tae... antagal ko na nga nung huling nagpost d2.  andame nang nangyare, diko na alam yung ibang mga nangyare.  tae...umuulan pa dito...ayoko ng ganto.  umuulan, tapos tahimik tapos mag isa lang ako...ayoko talaga...ayoko kasing nagiisip....diko alam kse isang direksyon lang lagi ang pinupuntahan ng pagiisip ko eh. at stressful yun... :-s

=====

ano bang nangyare...nung saturday, nagpractice kame ng cheering sa ulan. masaya. puro kme mga brods na nagtatampisaw sa tubig ulan at nagbabasaan ng baha. parang mga bata. ansaya. naaalala ko nung bata pa ako. gawain ko yun.  nagtatatakbo sa ulan habang hinahabol ng patpat ng nanay. haha. saya.

nagpintura din kame sa math bldg ng mga blackboard. kelangan daw magpa impress sa mga freshies para sumali sa org namen. idea sha nung sis namen na teacher sa math. so sunod naman kame agad. masaya kahit hinihiritan nila ako. sablay sablay kasi yung pintura ko ng edge. napinturahan ko din ng brown ung supposedly green part. haha.

=====

nung friday, prepageant. muhkang gago si paolo. haha. anghusay gumiling. para shang sabog na bacon na nag-shri-shrink. hehe.

=====

mejo madameng engkwentro n2ng nakaraang week. mejo morbid. di ko na ilalagay d2 ang details. naikwento ko nmn na sha sa mga taong siguro ok lng na makaalam. si mosi at si ruz. diko pa nkwekwento k jen. owell, kailangang mgpagaling. maga pa ang labi ko at masakit pa ang katwan.  kelangan lageng ready to fight. dudurugin ko cla. matapang lng kase madame.  reresbak kme ulit.  hindi pa yun ang huli.

=====

BGC, dalawin nio ako pag napuruhan ako ha.

=====

namimiss ko na talaga ang pagkainanimate mo. ayoko naman na pestehen ka ulit. ano ng gagawin ko? tae ka talaga. tae ka! :-( bakit kse eh....tae, ayoko na. siyet!!! meron na akong helplessness disorder. tae!

Current Location:
russ dorm
Current Mood:
gloomy gloomy
Current Music:
kailan pa?
* * *
kanina naglilinis ako ng apt. when i went pass this pile of papers.  inayos ko.  nakita ko ang index card ng aking long tym friend/colege best bud/barkada/ex-hausmate/present hausmate na is josh.  it was just an ordinary index card na pinapasa sa mga prof together with the 1x1 picture.  it was ordinary until the contact person incase of emergency.

alam ko mababaw pero noon ko ang nakita ang pangalan kong nakasulat sa "IN CASE OF EMERGENCY".  nakakatuwa, i mean it was so overwhelming makita yun.  nakakataba ng puso kumbaga. i mean, para sa akin, it shows na the dude do trust me. tnx josh, realy appreciate it. dont worry pag naaksidente ka at my tumawag sa akin...pupunta ako agad. tapos ais din agad.=)

peace man. thanks.=)

Current Location:
harap pa din ng pc
Current Mood:
grateful grateful
Current Music:
anak
* * *
last monday (june 26, 2006),  sooper aga ng klase ko. at tuloy tuloy na yon.  from 7 to 11.  4 na subject yun in 4 hours.  hagard kung hagard ka talaga....i mean ako pala.  hehe.  the previous nyt nakatext ko si melai at napagkasunduan naming mag lunch together with our ex-hausmates josh and pardi and grace...wala na kc si mel, graduate na. kainggit.  any way, nag meet kame ni melai ng 12 noon sa olivarez.  we decided na kumaen na kse gutom na talaga kme at inaasahan naming padating na ang mga tao.  i remember they confirmed me na pupunta sila sa lunch date. pero it turned out na nainjan kame ni melai. tae!!!

=====

anyway, it was ok.  nag date nalang kme ng aking BIG ALIEN SIS. =)  eon, kumaen kame sa greenwich.  gutom talaga eh.  tapos we had this talk...semi serious talk about how we felt and what we feel about certain issues during that time.  we were talking 'bout old friends which i dont know can be considered as such during this moment of time.  pero di naman ako in whatsoever demonic possession para hindi ko iconsider na kaibigan ang mga taong nakalimot na at nagsarili na sa kanilang buhay.  ang di ko lang naman kaibigan ay syempre ung mga hindi tumuturing sa aking kaibigan (which is partly them also...i mean only a particular one kc i dunno if i am still considered as a friend) at shempre yung mga kaaway ko.  they are not that much.  mga isang samahan lang cguro.  contradicting naman kase pag kinonsider kong kaibigan ang mga kaaway ko diba.  anyway, balik sa topic.  edi yun nga ung pinaguusapan namin.

napansin ko kay melai na may katulad sha.  nkikita ko si ruz kay melai.  pareho sila ng sentiment at attitude towards what is happening and basically to the concerned people.  ared they pissed???  OYEAH!!! BIG TIME!!!

=====

wel, almost pareho kme ng nararamdaman ni melai, pero i woud like to focus more on what she felt dahil sha yun eh.  i mean, she was, before, one of them.  and for her to react like that, something must be wrong...as in wrong talaga.  sabi ni melai, pagod na daw sha.  tama nga naman, she've done her part in maintaining the friendship.  pero mahirap nga naman kung puro ikaw lang diba.  eh, napuno na yung tao.  diko sha masisisi.  masasabi nating biased ako sa nararamdaman ni melai kase i also feel thesame, pero hindi mo rin maiaalis na tama si melai.  di naman kase sha nagkulang.  and to think na sila/sha pa yung may gana magalet/tampo?  tae sila/sha!  diba?  di naman kame yung gumawa ng malaking break/move para magbago ang lahat diba.  dapat nga mas extra effort sila kesa sa amin.  pero we had enough.  i had enough, melai had enough.  si anna, di pa napupuno.  sobrang baet nun eh.  yun, isave nio sha kahit pano para masabing may natira. tae kayo!

=====

kasi naman, if you have people surrounding you, wag lang puro yung nasa HARAPAN mo ang pahalagahan mo. PAHALAGAHAN mo din yung mga taong NASA LIKOD mo at wag ka makalimot lumingon sa dati mong kinalalagyan.  pag NATUMBA ka, sino bang PUPULOT sayo?diba yung nsa LIKOD?  pag BUMAGSAK ka, diba, kami ring mga nasa LIKOD mo ang SASALO sa inyo.

tae ka, inanimate ka talaga.

Current Location:
sa harap ng pc
Current Mood:
disappointed disappointed
Current Music:
anino
* * *
nanood kme ni jen ng american haunting.  potek na sine yan, ansakit sa kalooban.

tapos pumunta kme knila mhe at kumaen si mang edongs.  wala si kokong my game kase eh.

yun lang.:-)

Current Mood:
high high
* * *
"in the midst of loneliness and sheer disappointment, few friends stay to share the moment.  
some are lucky to have some, while some are unfortunate to have none."
  

-papa cologne



=====

oyeah, this is what im talking about.  friday nights are the best ika nga ni melai. hehe, ito ang panahon kung saan mo mkikilala at makakasama ang iyong mga "ULTIMATE" friends <as termed by ruz-mus, ang financer>.  hindi lang basta yung mga friends or mga super friends.... ibang lebel yung ULTIMATE FRIENDS eh, sbe nga ni ruz, hindi nangiiwan at marunong tumanggap ng buo.  haha, napansin niyo din?  bitter si ruz. haha. bkit kaya???  sana mabasa ito ng mga taong concerned at matamaan kayo ng solid hanggang sa buto. nyahaha.  amin na si ruz mga panget kayo. nyahaha. :-D

=====

o well, lagyan na natin ng direksyon ang mga kwento.  Every week end, i try to escape from school works... and problems din pla. minimeet ko ang aking mga kaibigan at gumagawa ng planong on the spot kung ano ang masayang gawin.  kadalasan gimik.  tamang inom at sharing ng mga saloobin...galit, experiences, grudges, pangarap at kung anoano pang kababawan.  nagmeemeet kme every friday or saturday or pag sobrang biglaan sunday.

hmmm... kung ung mga invited sa mga gimik, binubuo kme nina:


kokong  - si kokong ang buraot. haha. besprend ko 'to. inintroduce ko sha sa aking mga friends <yung mga nasa baba>. ang una niyang nakilala ay si MOSI at naginuman agad cla.  nyahaha.  ansaya pag ang kaibigan mo ay naging kaibigan din ng mga iba mong kaibigan at mgkakasama kayo at nag click. haha. si kokong ang partner ni karen sa pag ubos ng pulutan.

karen - si karen ang aking mahal na kaibigan simula freshman. mjo matagal ding nawalan ng kontak pero nagkita ulit kame at huwala!!! asteg diba.  on the spot ko sha niyayang gumimik at sinangkalan pa ako sa kanyang ina para payagan sha.  ako pa tuloy ang nabad shot. pero ok lang, atleast nakasama ko sha.  partner niya si kokong...mga pulutan killer sila.  hindi nalalasing sa alak kundi sa corned beef.

patrick  -  si patrick ay kaibigan ni MOSI.  new friend lang pero cool kse oks naman kme.  galing sya somewhere sa south at ngayoy nagbalik na sa maynila upang magtrabaho.  kung si kokong at karen ang role ay umubos ng pulutan si patrick ang taga-gitara.  sideline ay ang pagiging drayber.

ruz -  si ruz-mus...ang babaeng parang si t--. nyahaha, gets mo na noh? :-D mabigat ang kamay niya pag inis o kahit pag hindi. pag trip ka saktan, sasaktan ka. malakas mantrip at makulet. kupal to the highest level to mga tsong.  ang role niya ay ang pagiging pinansyer. opo, si rasel ang aming bangko.  kung hoholdapin niyo kame, sha nalang....wala kayong mapapala sa amin, sa kanya meron. :-D  pahabol...si ruz-mus ay bitter???  <ano, tinatamaan na ba kayo??? mga panget!>

mosi  - nyahaha...si Mosi ang dakilang drayber talaga. haha. bukod sa pagiging drayber, secondary role niya ang pagiging tomador.  parang walang bukas kung uminom.  cool si mosi.  kaibigan sha ng kaibigan ko. di ko din alam kung bakit mas naging close pa ko dito kesa sa mga supposedly kaibigan ko talaga.  mas marunong makisama si mosi eh....kumbaga mas  'human' as compared to some inanimate shit.  <tae talaga sha.>

ako  -  haha...ako 'to.  ako ang anghel sa grupo.  tinawag nila akong PAPA COLOGNE dahil sa aking baby cologne scent.  e bakit ba, nababanguhan talaga ako sa baby cologne eh. :p  ang role ko ay magjoke. yun lng... magpatawa at i entertain ang mga tao.  di ako umiinom <diba :-D> kya ako ang taga-hagod sa likod ng mga lasheng na tao.

jenny  -  si kambal... haha, essential ang role ni jen... we get discounts and basically what we want dahil sa kanya.  upuan man yan o kanta o special treatment, name it...kaya ni jen yan.  with his charm and appeal lalo na sa mga lalaki, potek, maaamaze ka sa talento ng taong 'to. <i wonder bakit ako di napagkalooban ng ganung talent>  she simply has her ways.  asteg.  tomador din pero di ovious. payat kase. sumtyms i wonder, 'san napupunta ang beer?'.



with this group of people, minsang nabuo ang kung tawagin ng iba ay saturday night group... na naging friday night group <parang dats entertainment 'noh>, hehe.  at ngayon, mas ok na sa amin ang katawagang 

be GOOD company
.

as the name implies...or as what the righteous-god will do everything people wants to imply, we should be good.  why?  maybe because we are bad.  why? maybe because they are good.  so?  maybe they want us to be like them. so?  for us to be good.  why?  because we are bad.  why?  because what they dont do is bad.  why?  because they are righteous. so?  we are bad.

T - A - E     KAYO!


=====

i really hope every fridays na ito.  para masaya.  kung gusto niyo magsama ng mga friends, ok lang. basta gumagawa din ng mali every once in a while.  hang out lng at good time.  minsan lang naman tayo magiging ganto eh. although ako kabataan pa talaga <di na kase teens yang mga yan>, mga isip bata din naman kayo.  naway madame pa tayong beer na mainom...mas madameng yosing ma puff, mas madameng kwentong mapagkwentuhan, mas malalim na samahan, mas madameng common na kaaway at mas madameng kantang maawit. nyahaha.  inom pa!!!  

=====

pahabol:  nakakilala din kme ng korean friends sa bar. sila kuku and friends. isang patunay na hindi kme bad kse friendly talaga kame.  kj lang talaga kayo.  masama na kung masama kame, masaya naman.  wag ko lang mababalitaang my nabuntis sa inyo ha...amputa, makakarinig kayo sa akin!  




<tae ka, magingat kang inanimate ka ha. magingat ka! >



Current Mood:
thankful thankful
Current Music:
skyline pigeon
* * *

june 23, 2006 literally became a very long day for me. gising ako simula mga 2am kasi hindi ako makatulog... naninibago ako sa aking BAGONG APARTMENT!  di ko alam pero namamahay yata ako sa aking BAGONG APARTMENT! hehe...ewan talaga...nakatulog ako mga 5 am pero gumising din ako ng 6am kase my klase ako ng 7. so yun. :-)

=====

para simple, eto ang timeline ng mga nangyare:

7-8 am  -  class
8-9 am  - breakfast with kristina paula
9-10 am  -  class
10-1pm  -  travel to manila
1-3 pm  -  palaboy with kokong
3-3:30pm  -  meeting with ate
3:30-4pm  -  byahe ulit
4-9pm  -  palaboy alone waiting for another meeting
9-10pm  -  dinner
10-3am  -  be good co. meeting
3-3:30am  -  uwe 
3:30-2pm  - tulog

ang haba ng araw ko noh:-D

Current Mood:
happy happy
Current Music:
babaeng uy ay
* * *
Mosi....:-D

alam m na ba ang aking sasabihin? :-D

ihanda m na ang apat, bayad nko sa 2 kaya its your  turn.

MIAMI beats the MAVS 4-2.

haha...

miami champion, ak din panalo.:-D

=====

SA MGA MIAMI FANS NA NANALO SA MGA PUSTAHAN....haha, mabuhay tayo!!!  :-D
Current Mood:
energetic energetic
* * *
tae ka talaga...ikaw pa din ba? tae.
Current Mood:
depressed depressed
* * *
nyahahaha... this is suppsedly the continuation af the previous post.  actually, kasund na sha tal;aga. kaso mukang mas magandang seperate post to kase kakaiba ang mga sumunod na nangyare sa aking buhay.:-)

=====

after my soc 180 class, mga 9am, hindi ako agad umalis ng room kase ang next class dun ay PSYCHLOGY 1... at kailangan ko yun.  balak ko magprerog sa klaseng yun kase yun lang ang pwede sa skedyul ko at mabaet yung guro (mam martinez).  s edi nkaupo na ako sa parehong upuan from the previous class, taps biglang pumasok ang sandamukal na tao. aside from the class, yung nakaenlist talaga, siguro twice yung number ng mga prerogatives. tae...at isa ako dun. sa aking estimate nasa 50 students ang gusto makapasok sa klaseng yun.   

di kaagad nagsalita si maam. umupo muna sha kasama ng mga estudyante at nagpanggap na estudyante din. pero tumayo din sha agad kase nagkakagulo na....pumuputok na yung room sa dami ng estudyante.  kaya pinalabas lahat ng prerog at nagdecide na mag pa talent portion sa laht ng umaasang magkaka psych 1.  6 lng out f the 50 students ang makukuha.  shempre kanyakanya ng gimik.

=====

wala talaga akong alam na gawin. wala naman talaga akong talent. at mukhang yung kawalan ko pa ng talent ang naging daan sa aking tagumay. haha.  nung ako na yung magpeperform, hindi ako nagsolo, my partner ako...si chino.  at napagkasunduan naming mag sing and dance ng bagong bagong "KAPAG TUMIBOK ANG PUSO" popularized by our very wn "MS. DONNA CRUZ". nyahaha...kahihiyan diba.  may steps pa kame at hindi naman talaga kame nagsing and dance...nagtawanan lang kame sa harap kase mukha kameng tanaga. sumayaw ng konti per di rin tod dahil natatawa ako dahil pinagtatawanan kame. haha. gets niyo ba? hehe.  grabe first tym ko ginawa yun!

=====

sinulat kasi sa board yung mga pangalan ng mga prerogatives at 6 lng yung matitira dun at sila yung tanggap.  ang pangalan namin dooon ay "paul and chino"at nung titignan na yung results, wala kame sa list. tae diba.  palabas na kme nang may nagsabing..."paul, kasama ka!" huh? ako ba yun...at nung tinignan ko, ako nga. haha. binura lang yung "and chino".  malungkot man at di kme nkuha...masaya nmn dahil nkapasok ako....as for chino, nabunot naman sha sa nasc4 kya oks na din.:-)

kakaibang experience to.  dinaman ako papask sa friday...hoping na mkakalimutan na nung mga kaklase ko ung mga khiyahiyang ginawa ko...para sa monday, ok na ang image ko.:-)

Current Mood:
energetic energetic
Current Music:
swing
* * *
grabe, sa bundk nko nakatira kaya ang hirap na bumaba para mag net.  lumipat nko ng apt sa mjo mababa pero mejo uncivilized pa din. haha.  pero atleast my katabing compu shop kya kahit pano mkakaag update ako.  kya ngaun lang ako nakapagpst kse pag nasa taas ka na...tatamarin ka na bumaba sa lay at sa dilim lalo na pag gabi.

=====

ano bang nangyare nung wednesday???  hmmm....ahh...madaling maalala ang wednesday ko.  kung sa diliman eh wednesday ang inka favorable na schedule....sa akin HINDI!!!  patae ang schedule ko pag wednesday. from 7am to 4pm...straight. hayup!!!  naggising ak ng quarter to 7 kaya nagmamadali akong magrepare kase, haller naman nasa bundk pko....maglalakad pko pababa ng kabihasnan.  nalig ak at dyahe talaga...dik kinaya ang lamig ng tubig kaya hanggang sa klase ko eh nangangatog ako.  mabilis akong pumunta sa klase.  pagdating k dun, nagsstart na sila. cool lang at mejo bata pa ung guro at naging guro ko na sha kahit papano last sem.  nagpasulat lng ng attendance at huwala...as in huwala, huwala ng klase.haha. soc 140 class nga pla un. naghintay ako hanggang 8 ng aking sunod na klase.  soc 180 naman, about demography. un, mukang matalin ung teacher. andame namin sa class.  wala kaming pasok sa friday kaya maaga akong makakauwe ang meet my friday group. haha. melai, my friday group na din ako.:-) 

Current Mood:
happy happy
* * *
first day of classes ngayon.  maaga kme gumising kasi my event para sa mga freshies. almusalan ang tawag dun. isang event kung saan pakakainin ang sandamukal na freshman. ok na sana kaso my mga unwanted species agad dun so i have to go somewhere except there.  para sa aking mga kaibigan, alam na nila 'to.  pumunta ako sa building namen...at the more akong umiiwas, tae the more na lumalapit.  more unwanted specie.  tae talaga.  di na lang ako kumibo para bawas komosyon.  tae talaga.  what a way to start the week. tae.

=====

latter to this day incident, e ung masalimuot na pagkuha ng apartment. anlayo pla nun.  nasa bundok...mejo literal.paa na yata ng mt. makiling yun.  hay... o well... kagabe namamahay ako...hirap matulog. nasanay ako sa dati kong apartment. pag dika makatulog, pwede ka manood ng tv o kya mag laro ng pc. pero ngayon, wala kang gagawin kundi matulog.  kung gusto mo, pwede ka ding kumaen. pero other than  that... parang wala na.  wala pang makatext. :-(  buti si kokong gcng hanggang 2 kya khit papano my nakukulit ako. 

=====

hay buhay...

Current Mood:
stressed stressed
Current Music:
spoliarium
* * *
"di puro porma, gumagamit ng utak
ang mundo, ang ating class room
we learn not anly from the class but from experience
uplb this is our song
i want my lb life!!!"



whew...balik lb na...
takas sa mga inanimate na bagay.tae
Current Mood:
blank blank
Current Music:
lb life
* * *

walong oras ako tulog simula alas diyes hanggang alas singko ng hapon. haha... bumabawe ako sa kagabeng puyat eh.:-)  hehe.  pagkagising ko, meron nang kilig na naramdaman ang aking buong katawan.  linggo ang huling araw ng aking bakasyon...ito ang huling araw ko para magpariwara.  may plano na ako. gusto kong magpakalasing.  sobrang lasing.  hindi lamang para magpakasaya kundi pati na rin para mailabas ko lahat ng gusto ko ilabas.  

=====

yung besprend kong si kokong ang aking unag kasama. kinita din namin si mosi.  ang plano, maginom sa foodcourt ng sta.lucia.  1 barrel para sa aming 3, at isang sisig hooray. haha. solb na yun. malalasing na kami. pero sobrang daming tao sa sta.lu. day off yata ng mga longkatuts. kaya naisipan naming lumipat sa brick road. lipat kami sa bean there. nag isang bucket agad kami at may libre pang kropek. hahaha. kropek na makunat.

=====

tinext ko ang aking mahal na kambal at ang aking katoong si karen. nung una hindi pa sila pupunta. pero napilit din. nagbreak kami sa pagiinom kasi may kailangang kitain si mosi sa rob kya kinita ko muna si karen sa national.  haha. maganda pa din sha. haha. nakasuot sha ng paldang nagmistulang belt lang sa ikli.  di daw sha pede kasi may pasok sa monday. pero nagawan namin ng paraan.  ifinront ba naman ako sa mama niya. tae talaga. ako tuloy ang bad shot. owell, atleast kasama na sha. bumalik kaming tatlo sa bean there <kokong, ako at karen>. isang bucket ulit. tapos dumating na si mosi kasama ang kanyang kababatang si patrick. ayos. madame na. si jernny nalang ang kulang. mga 5 minutes pa, pumasok na si jen sa bar at kumpleto na kami.

=====

haha..lumipat kami sa bahay nila mosi para mas mura. bgo kmi umalis sa bar, may nagnakaw muna ng mga tinidor. diko maalala kung sino yung kumha nung mga tinidor. pero asteg.  bumili kme ng kalahating case na redhorse at ininom namin yun.  si kokong at karen ay magkasundong inuupakan ang mga pulutan habang kami ay nagbubutas ng atay sa pagiinom.

=====

masaya ang gabing ito.  napakasaya.  ngayon lang ako nakagimik na lampas dalawa ang kasama ko. asteg talaga.  sayang lang at linggo. sana saturday para mas matagal nagkasama.  mas masaya.  ngayon ko nlang nkita si karen ulit. buti pa sha. si kris, bing at trina...ang alm ko barkada ko sila dati...perodko na sila nakikita.  ewan ko dun sa mga yun.  mashadong busy. o bka ayaw lang talaga nila. may sarili na kasing buhay yung mga yun.  iba na ang mga priority nila. di na mkakapagbigay ng panahon sa dating kaibigan.

=====

pero salamat sa kanila, nakilala ko ang mga taong kasma ko kanina. mas masya. mas totoo.  mas maasahan. di nang iiwan. haha. salamat sa inyo. pag may nangyare sa akin, mas KAYO pa ang hahanapi ko. mas gugustuhin kong dalawin niyo ako at my pasalubong na alak. haha. sturday club na ito. kahit bago pa lang tayong magkakakilala, alam ko asteg tayo. haha. every saturday ha. inuman tayo!:-)

=====

nakauwe na ako at pagkatapos ng lahat ng nangyare,
ikaw pa din yung hinihiling kong nakasama ko. tae! at potek, lasheng na ako... hahaha  <suka!> =)

Current Mood:
drunk drunk
* * *
tulog muna ako. antok na ako. gigising ako ng 11. pramis!

=====

bkit ikaw pa din? inanimate ka pero bkit ikaw pa din?tae.
Current Mood:
sleepy sleepy
Current Music:
close to you
* * *
whoa...testimonials...halos lahat na yata ng taong marunong magnet, specifically mag friendster e eto ang pinakahihintay tuwing magbubukas sila ng account.  well, its always nice to see a warning saying "new testimonial".  mas ok kaysa sa "verify email" diba? nakakatuwa yung testimonial kase mas makikilala mo ang sarili tru the perspective of others.  parang looking glass self ayon kay george horton cooley <kung tama ang pagkakaalala ko sa aking minor na sociology class> basta kung kanino man galing ang ideang 'looking glass self', ganun ang purpose ng testimonial. somehow, what is stated becomes you..actually.  maganda man o pangit ang nakasulat, tinatanggap natin at inaaprub, well for most people. yun kasi yung tingin ng ibang tao sa atin. ok nga namang malaman ang evaluation sa iyo ng iba diba.  wag lng yung mga jologs na testimonial ng mga di mo kakilalang magsasabi lng ng..

"ei!!! wAzzzup?!? jaz drOpping by. TNx 4 addin' me Up. u Rock. by d wAy, nayZ azz!!! "

ang jologs diba??? hindi yan ung tinutukoy kong testimonial na nakakatuwang basahin. mas maganda nga basahin yung testimonial ng mga long lost friends na nakatisuran mo sa friendster.  

bkit ko pinost ito??? haha...kase my bago akong testi. inggit kayo noh. haha. masayang gumising sa umaga <hmmm...para yan sa iba ha.dipa kase ako natutulog kaya di pa pwedeng gumising> at magonline tapos my mababasa kang testi. mula sa isang dating katoto. haha. oo, nakatanggap ako mula sa isang lumang katoto.:-)

si chesca ang aking kaklase nung elementary. haha. ewan ko kung nasaang parte na sha ng mundo pero siguradong wala sha sa pilipinas. nag testi sha sakin. although maikli, mababasa mo na yung dati pa din ang tinutukoy. haha. nakakatuwang kilala pa niya ako. 10 taon na kaming walang kontak. diba nakakatuwa?  :-)

haha...ang maganda nito, sa testimonial ng mga dati mong kaibigan, inaasahan nilang kung ano ka dati, ganun ka pa din ngaun. well, yung ang test para sa ating mga binigyan ng testi. jan mo malalaman kung nagbago ka ba o hindi. :-)

=====

inaantok na ako. at naiiisip kita. tae!

Current Mood:
cheerful cheerful
* * *
tae...tulog nga ako buong araw...gising naman buong gabe.  boo... ang olats ng lifestyle ko.

<but no, nadadala ko na ang salitang 'olats', ayaw na ayaw ko sa salitang ito subalit...subalit...subalit...owell...>

=====

masaya nmn kahit walang tulog. nakachat ko si jen buong gabi. hanggang 5am. eksakto. because of her i felt somewhat normal. <ibig kasi sabihin hindi talaga ako aswang...or kung aswang man ako, atleast dalawa kme. aswang din sha. hahaha.>  andame namen napagusapan. kwentuhan of the past, present and future. asteg. twas nice to hear from her again. :-) namiss ko yun. :-)  haha. kung dati todo telebabad kme hnggang umaga, ngayon chat naman. ayos. hehe.

=====

monay na nga pla ang tawag ko sakanya.  haha...nagugutom nko, bibili muna ako ng pandesal sa bakery. at pancit canton. yum. ^_^ mkakakain nko!!! woohoo.

=====

1st meal ko it kahapon at 1st meal din ngayon
. :-)
<kayo nlng maganalyze nun>
Current Mood:
cheerful cheerful
Current Music:
always by bon jovi
* * *

Previous

Advertisement